PUVs, bibigyan ng special permits sa mga rutang walang consolidated jeepneys

PUVs, bibigyan ng special permits sa mga rutang walang consolidated jeepneys

MABIBIGYANG pahintulot ang public utility vehicles (PUVs) na makabiyahe sa mga ruta na walang jeep na kasapi sa PUV consolidation.

Sa pamamagitan ito ng special permits ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Posibleng mabibigyan ng special permits ang mga jeep sa kalapit na ruta.

Sa ngayon, batay sa record ng LTFRB, 81% na o mahigit 160-K na mga jeep sa bansa ang kasali sa PUV consolidation.

Para naman sa pilit na mga bumibiyahe kahit hindi sumali sa consolidation, bagamat bibigyan muna ng warning ay aabutin ng isang taon ang suspension ng driver at pagbabayarin ito ng P50-K na multa para sa sasakyang na-impound.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble