Sen. Poe, kinalampag ang DOTr kaugnay sa Jeepney Modernization Program

Sen. Poe, kinalampag ang DOTr kaugnay sa Jeepney Modernization Program

KINALAMPAG ng Senate Committee on Public Services chairman Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) ukol sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Saad ni Poe, dapat maging handa ang DOTr sa magiging epekto ng Jeepney Modernization Program maging ang paggamit ng P200 milyong pondo para sa mga tsuper na maaapektuhan ang pangkabuhayan.

Ayon pa sa senadora, mukhang merong disconnect o hindi pagkakaintindihan dahil hindi malinaw ang programa.

Siningil din nito ang DOTr kaugnay sa hindi pa naisusumiting datos kaugnay sa PUVMP, tulad sa konsolidasyon ng mga jeepney; at ang bilang ng mga rutang sineserbisyuhan, mga apektadong ruta at mga contingency plan para sa mga ito upang hindi maapektuhan ang mga commuter.

Inirekomenda rin nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gumawa ng helpdesk sa buong bansa upang madaling maabot ng mga jeepney driver na hindi pa nakapag-consolidate.

Sa kasalukuyan ay binigyan ng palugit na hanggang kalagitnaan ng mayo ang mga hindi pa nakapag-consolidate.

Maliban pa dito, nais ding silipin ng senadora ang naiuulat na aabot sa milyong peso ang hindi nagamit sa nakaraang training programs para sa mga tsuper.

Nagbabala din ang senadora na pupukpukin at sisingilin nito ang DOTr sa susunod na budget season.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter