NAG-UMPISA nang magsialisan ang puwersa ng Israel mula sa Gaza bilang bahagi ng kasunduan sa ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas.
Lumisan ang mga tropa mula sa Netzarim Corridor, isang bahagi ng lupain na naghahati sa North at South Gaza.
Nauna nang pinayagan ng Israel ang mga taga-Gaza na tumawid sa corridor upang makabalik sa kanilang mga tahanan.
Wala pang datos kung ilang tropa ang umalis noong Pebrero 9, 2025.