QC Police, bumisita kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa Traditional New Year’s Call

QC Police, bumisita kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa Traditional New Year’s Call

PINANGUNAHAN ni Quezon City Police District (QCPD) Police Brigadier General Redrico A. Maranan ang Traditional New Year’s Call sa Punong Lungsod ng Quezon na si Hon. Josefina “Joy” Belmonte, kahapon, Enero 4, 2024.

Kasama ni PBGen. Maranan ang mga miyembro ng command group, mga Chiefs ng Directorial Staffs, at ang mga Station Commanders ng PS 1-16 at iba pang opisyales ng QCPD sa naturang event.

Ang New Year’s Call ay ginagawa taon-taon ng QCPD bilang pagbibigay galang sa punong ehekutibo ng Quezon City.

Samantala, buong pusong ipinabatid ni PBGen. Maranan ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa walang sawang suporta na ibinibagay ng QC-LGU sa mga programa ng QCPD at ganun din ang pagsuporta ng buong pwersa ng Kyusi-Pulis sa lahat ng programa ng lokal na pamahalaan.

Buong puso rin silang tinanggap ni Mayor Belmonte kasabay ng pasasalamat para sa maayos na pagpapatupad ng batas at maintenance ng peace and order sa lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter