Quezon City, itataas sa full alert status sa kauna-unahang SONA ni PBBM

Quezon City, itataas sa full alert status sa kauna-unahang SONA ni PBBM

ITATAAS sa full alert status ang buong Quezon City sa araw ng pagsasagawa ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng SMNI News kay QCPD Director PBGen. Remus Medina, asahan na ang mahigpit na daloy ng trapiko at posibleng re-routing para sa lahat ng motoristang dadaan sa lungsod.

Sa katunayan, kaliwa’t-kanang pagpupulong na aniya ang kanilang ginagawa ngayon upang tiyakin ang maayos na pagdaraos ng SONA ng bagong Pangulo ng bansa.

Dahil sa limitadong bilang ng kanilang tauhan, inaasahan din ang tulong ng PNP mula sa regional at police districts katuwang ang mga kinatawan ng Joint Task Force, AFP, BJMP at BFP para sa crowd control partikular na sa mga inaasahang rally ng iba’t ibang grupo na nais magpahayag ng kanilang saloobin ngayong SONA.

Follow SMNI NEWS in Twitter