Quezon City, low risk na sa COVID-19—OCTA

Quezon City, low risk na sa COVID-19—OCTA

NASA low risk category na ang Quezon City sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ngayong araw, Hunyo 7, 2023.

Sa Twitter post, sinabi ni David na bumaba ang positivity rate sa Quezon City mula sa 22.2% ay nasa 17.3% lang ito nitong Hunyo 6.

Bumaba na rin ang mga bed occupancy sa mga ospital, mula 35% ngayon ay nasa 33% sa parehong panahon.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot sa 676 ang mga bagong kaso kung saan 171 dito ang nasa Maynila, lima naman ang namatay at nasa 12,431 aktibong kaso sa bansa ang nakarekober nitong Hunyo 6.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter