Rain or Shine, pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup

Rain or Shine, pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup

PASOK na sa semifinals ang Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup, matapos payukuin ang converge FiberXers sa iskor na 112-103 sa Ynares Center sa Antipolo City, Rizal nitong Linggo.

Sa kanilang laban, dikitan pa ang iskor sa unang quarter habang sa pagtatapos ng second quarter ay nailayo sa ilang puntos ng Elasto Painters ang kanilang lamang.

Sa third quarter naman, napanatili ng Rain or Shine ang kanilang lamang at sa huling quarter ay tuluyang pinuyuko ng koponan ang FiberXers.

Tumulong naman sa panalo ng koponan sina Deon Thompson at Adrian Nocum na may 69 combined points.

Makakaharap ng Rain or Shine ang TNT Tropang Giga sa semis, kung saan magsisimula ang kanilang game 1 sa Miyerkules, Pebrero 26.

Samantala, maghaharap din sa semis ang Barangay Ginebra San Miguel at North Port Batang Pier.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter