NAKUHA ng Pilipinas ang tatlong gintong medalya sa International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix II.
Ito ay naipanalo ni Rose Jean Ramos 18-taong gulang at Tubong Zambonga City sa women’s 45kg category nitong Martes.
Nakuha ni Ramos sa kaniyang laban ang kabuuang lift na 155kgs–70kgs sa snatch at 85kgs sa clean and jerk.
Naging dalawang beses din itong kampeon sa World Youth Weightlifting Championships noong 2018.