SINABI ni Atty. Harry Roque na balido ang rason ni Cagayan Governor Manuel Mamba kung bakit kahit tatalima sa kagustuhan ng pamahalaan ay nananatili pa ring tutol siya sa pagtatatag ng EDCA sites sa bansa gaya na lang sa kaniyang probinsiya.
Matatandaan na sa kasaysayan ay binomba ng Japan ang Clark Field, Pampanga ilang oras matapos pinasabog nila ang Pearl Harbor sa Hawaii, USA dahil alam ng mga hapon na ang kalaban nilang mga Amerikano ay may base rin sa Pilipinas.
Sinabi pa ng butihing abogado, ito ang konsepto kung bakit masasabi niyang magiging ‘magnet’ ng pag-atake sa anumang bansang kalaban ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil sa EDCA sites.
Sakali namang mangyari talaga at inatake na ang Pilipinas ng ibang bansa, sana’y hindi sumablay ang kanilang ‘weapons of mass destruction’ at madamay ang mga sibilyan.