Red Cross bus lulan ang mga napalayang Palestinian hostage, dumating na sa Ramallah

Red Cross bus lulan ang mga napalayang Palestinian hostage, dumating na sa Ramallah

DUMATING na sa West Bank, Ramallah ang isang Red Cross Bus na nagdadala ng mga napalayang Palestinian hostage mula Israel.

Bahagi ito sa apat na araw na tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Gaza.

Maliban sa magandang balitang ito ay napagkasunduan din na dagdagan pa ng dalawang araw ang ceasefire ayon sa Qatar at Hamas militant group.

Nakatakda sana itong matapos ngayong araw, Nobyembre 28.

Sa inisyal na ceasefire ay nasa 50 sibilyang hostage ang pinalaya ng Hamas habang 150 Palestinians naman ang pinalaya ng Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble