MAKIKITA na sa April billing ng kuryente ang refund ng Meralco sa kanilang customers.
Alinsunod ito sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung saan magtatagal ang refund ng tatlong taon.
Para sa residential customers, P0.20 kada kilowatt-hour ang itinakdang refund.
Ibig sabihin, nasa P40 ang refund kung hanggang 200 kilowatt-hour ang konsumo sa isang buwan.
Ang refund ay nagmumula sa sobrang nakolekta ng Meralco mula sa mga customer simula noong Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024.
Follow SMNI News on Rumble