Maraming red at yellow alerts sa suplay ng kuryente pinaghahandaan ng NGCP

Maraming red at yellow alerts sa suplay ng kuryente pinaghahandaan ng NGCP

NAGHAHANDA na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng epekto sa grid sa gitna ng nalalapit na tag-init.

Lalo na at sa mga panahong ito ay tataas na muli ang demand sa kuryente.

Ayon sa NGCP, maaari pang magkaroon ng maraming red at yellow alerts ngayong taon.

Noong Marso 5 ay naglabas na sila ng yellow alert sa Luzon Grid, na tumagal ng dalawang oras.

Samantala, tataasan na ng NGCP ang kanilang transmission charge ngayong buwan.

Sa anunsiyo, nasa 52 sentimos per kilowatt-hour ang itataas nito, bunsod ng pagtaas ng ancillary services o ang binibiling kuryente mula sa reserve market at sa mga provider na may kontrata sa NGCP.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble