NAKIISA at suportado ng Department of Justice (DOJ) ang isinagawang media summit na pinangunahan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na idinaos sa Central Visayas na dinaluhan ni DOJ Senior Undersecretary Hermogenes Andres.
Sinabi ni PTFoMS Executive Director, Undersecretary Paul Gutierrez na ang Visayas Leg ng Regional Media Safety Summit ay dinaluhan ng 150 participants na aktibong mga mamamahayag, information officers ng mga ahensiya ng pamahalaan at academe.
Ito ay may temang “Empowering Press Freedom and Media Relations,” na nagsilbing host ang Dumaguete City local government unit, katuwang ang PTFoMS at Philippine Information Agency.
Tinalakay sa summit ang pangangalaga sa karapatan ng mga mamamahayag; pati ang legal and constitutional basis upholding freedom of opinion and expression; rules on libel and cyber libel; panuntunan sa ugnayan ng police at media; at ang pagpapaigting at pagpapainam sa social media contents.
Hinikayat naman ang mga local media practitioners sa social media na magtatag ng kanilang professional organization na may code of ethical standards.