HINDI pa nangangalahati ang mga rehistradong SIM sa buong Pilipinas.
Pinaghahanda na ng National Telecommunication Commission (NTC) ang mga telco para sa posibleng surge ng mga magpapatala ng kanilang mga SIM sa huling araw ng SIM registration.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng NTC kung bakit marami pa ang hindi nakapagrehistro ng kanilang SIM ay dahil sa willingness ng mga subscriber na magpa-register at ang iba ay mahilig sa last minute.
Ilang araw bago ang deadline ng SIM registration ay hindi pa nangangalahati ang bilang ng mga nagparegister ng kanilang mga SIM.
Batay sa tala ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa higit 74-M pa lang na SIM ang nai-register o 44.15% sa kabuoang bilang ng mga SIM user sa buong bansa.
Ano nga ba ang dahilan kung bakit marami pa rin ang hindi nakapagpatala ng kanilang mga SIM?
Ayon pa kay NTC Deputy Commissioner Atty. Jon Paulo Salvahan na maaaring marami pang SIM ang hindi mai-register pagkatapos ng deadline dahil posibleng hindi na active ang mga SIM o hindi na ginagamit ng mga subscriber.
Telcos, pinaghahanda ng NTC sa posibleng surge ng mga magpaparehistro ng SIM sa huling araw
Nakipag-coordinate naman ang NTC sa mga telco para paghandaan ang surge ng mga magpapatala sa huling araw ng SIM registration at upang hindi maulit ang nangyari sa unang araw ng pagpapatala.
Samantala, muli namang binigyang-diin ng DICT na hindi palalawaigin ang deadine ng SIM registration.