Reklamo laban sa judge na inakusahang ignorante sa batas, kinatigan ng SC

Reklamo laban sa judge na inakusahang ignorante sa batas, kinatigan ng SC

NAPATUNAYAN ng Supreme Court (SC) na guilty si Dating Quezon City Regional Trial Court Branch 217 Presiding Judge Santiago Arenas sa ‘simple neglect of duty’.

Dahil diyan ay inatasan ng Korte Suprema si Judge Arenas na magbayad ng multang P120,000.

Nagsimula ang isyu makaraang naghain ng pormal na reklamo si Dr. Julian Espiritu kaugnay sa ‘gross ignorance of the law and gross inefficiency on a property dispute’.

Nabatid na patuloy pa rin kasing tinatanggap ni Judge Espiritu ang iba’t ibang uri ng motions at pleadings na inihain ng akusado kahit na with finality o pinal na ang desisyon sa kaso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble