NAGHATID ng tulong ang Philippine Air Force sa mga naapektuhan ng Bagyong Egay sa Calayan at Aparri, Cagayan.
Pinangunahan ng Tactical Operations Group 2 ng Tactical Operations Wing Northern Luzon sa relief operations sa pakikipagtulungan sa Office of the Civil Defense Region 2, at Department of Social Welfare and Development Regional Office 2.
Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, dala ng S70i Blackhawk helicopter ang 500 kahon o 4,250 kilo ng family food packs.
Partikular na ipinamahagi ang family food packs sa mga residente na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 21,254 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa Calayan.