ISASAGAWA na sa Marso 1, 2024 sa Qatar ang rematch nina Joshua Pacio at Jarred Brooks.
Sinabi ni Pacio na kasalukuyan na siyang nag-eensayo para sa nabanggit na laban.
Disyembre 2022 nang unang nagkalaban sina Pacio at Brooks.
Sa kasawiang palad ay natalo ang Pinoy mixed-martial artist kontra sa Amerikanong si Brooks via unanimous decision.
Samantala, nauna nang sinabi ni Brooks na nais niyang makalaban muli si Pacio.
Sa post ni Brooks sa social media, nais niyang mangyari ang rematch sa lalong madaling panahon.