Remulla at Pryde Henry Teves, personal nang nagkausap

Remulla at Pryde Henry Teves, personal nang nagkausap

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na personal na nitong nakausap si former Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.

Sa isang media interview sa Department of Justice (DOJ) nitong hapon ng Martes, sinabi ni Remulla na nangyari ang pag-uusap bago ang bakasyon ng Semana Santa.

Ayon pa kay Remulla, nais ng nakababatang Teves na linisin ang kaniyang pangalan mula sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa, sabay iginiit na wala siyang kinalaman dito.

Mababatid na kasama rin si Henry Teves sa iniimbestigahan para sa Degamo Case.

Samantala, hindi pa masabi ni Remulla kung kailan maisasampa ang reklamo laban kay suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.

Binanggit naman ng kalihim na nananatiling nasa Cambodia si Arnie Teves.

Kaugnay naman sa ikakasang imbestigasyon sa Senado hinggil pa rin sa Degamo Slay Case, tiwala si Remulla na hindi maapektuhan ng isang Senate hearing ang ginagawang imbestigasyon ng Task Force Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter