NAG-alok si Justice Sec. Boying Remulla ng 6 million pesos na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa anim na suspek na nauugnay sa pagkawala ng ilang sabungero noong 2022.
Inanunsyo ito ni Remulla sa kanyang Facebook account.
Kasunod ito sa pakikipagkita nina Remulla sa pamilya ng mga nawawalang sabungero kahapon, February 13, 2023.
Nang tinanong ito kung saan manggagaling ang 6 million pesos, sinabi ni Remulla na manggagaling ito sa isang “anonymous” source.