SINABI ng dating Nexplay EVOS star na si Renejay Bacarse na kumpiyansa itong nasa best team na siya matapos itong lumipat sa Blacklist International.
Ayon sa pahayag ni Renejay, tumaas ang kanyang kumpiyansa at pakiramdam niya ay hindi sila matatalo dahil nasa best team na siya.
Ang Blacklist ang itinanghal na M3 World Champion, M4 runner-up, at kampeon ng MPL Philippines Season 7, 8 at 10.
Nang tanungin naman kung ano ang pinagka-iba ng sitema sa training ng EVOS at Blacklist, sinabi nitong halos parehas lamang sila ng ginagawa at mayroon silang pagkaka-iba na hindi niya maaaring isapubliko.
Nakatakdang depensahan ng Blacklist International ang korona nito sa MPL Philippines ngayong season at kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang grupo na may 2-1 record.