GALIT at sinabing bantayan ang mga ipinatutupad na presyo sa merkado si House Deputy Majority Leader and ACT-CIS Party-List Rep. Erwin Tulfo.
Ito ay matapos nalaman ng kongresista ang presyo ng kamatis sa isang supermarket sa Quezon City na umabot sa P12.50 bawat piraso.
Ayon sa mambabatas, dapat umaksiyon na ang mga kinauukulang awtoridad sa pag-monitor sa mga presyo ng agricultural products sa merkado.
Mas mahal pa aniya sa sibuyas ang presyo ng kamatis sa Nepa Q-Mart.
Naunang nagpahayag nitong Martes si Tulfo ng kaniyang komento na mayroong nagkulang at hindi ginagawa ang trabaho sa mga kinauukulan na dapat magsagawa ng mahigpit na pagsubaybay sa mga ipinapatupad na presyo.