BINUKSAN ni Rep. Rodante Marcoleta ang isyu ng tungkulin ng Commission on Audit (COA) at tinanong kung bakit ang House of Representatives na ang gumagawa ng trabaho ng COA.
“’Yung pag-audit, ‘yung pag-e-examine ng mga papel, ng mga reports about public expenditures, ito po ay trabaho ng COA. There is no other office mandated to audit and examine the expenditure of public funds, only the Commission on Audit.”
“Sabi ko, bakit po natin ginagawa ang trabaho ng COA? Kayo naman, Commission on Audit, bakit ninyo sinurender ang inyong tungkulin? May problema dito, sabi ko, nilalabag natin ang Saligang Batas,” pahayag ni Rep. Rodante Marcoleta.