Rep. Villafuerte, naniniwalang maipasa sa Senado ang pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute

Rep. Villafuerte, naniniwalang maipasa sa Senado ang pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute

NANINIWALA si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na maipasa sa Senado ang panukalang pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VVIP).

Ayon kay Villafuerte, ang VVIP ay magiging premier research and development institute ng bansa para sa anumang uri ng virus at viral diseases sa mga tao, hayop at halaman.

Ang bersyon ng Kamara sa naturang panukala ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Christmas break.

Si Villafuerte ang isa sa mga may-akda ng panukalang ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter