Resignation ng 18 police officials, pinirmahan na ni PBBM—PNP Chief

Resignation ng 18 police officials, pinirmahan na ni PBBM—PNP Chief

PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang resignation ng 18 police officials ng Philippine National Police (PNP) Chief.

Pinirmahan na ni PBBM ang resignation letter ng 18 3rd level officers ng PNP.

Ito ang kinumpirma ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. sa panayam ng media araw ng Lunes, Hulyo 31, 2023 sa Camp Crame.

Kasunod ito ng ginawang pagkikita nina PGen. Acorda at Pangulong Marcos nitong nakaraang linggo.

Matatandaang nag-umpisa ito sa panawagan noon ng PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbibitiw ng mga pulis dahil sa isyu ng ilegal na droga sa loob ng organisasyon.

Tiniyak naman ni Acorda na wala namang epekto sa pangkabuuang operasyon ng PNP ang pagbibitiw sa serbiyso ng 18 habang agad namang papalitan ang mga ito sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter