KINUMPIRMA ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa na malapit nang ilabas ng Department of Agriculture (DA) ang resulta sa gumugulong na imbestigasyon.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang bentahan ng bigas ng mga National Food Authority (NFA) official sa ilang negosyante na dehado ang gobyerno.
Walang partikular na petsa na ibinigay si De Mesa, pero una na ring sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na posibleng abutin ang imbestigasyon ng 2-3 linggo.
Ani De Mesa, iniutos ni Sec. Tiu sa dalawang matataas na opisyal ng NFA na mag-voluntarily leave habang gumugulong ang imbestigasyon.
Ito ay upang maging patas aniya ang ginagawang imbestigasyon kina NFA Administrator Roderico Bioco at Assistant for Operations Lemuel Pagayunan.