NAWAWALA ang isang retiradong heneral ng pulisya na dating tumestigo ngunit kalauna’y binawi ang pahayag laban kay Leila de Lima.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang pagkawala ni Retired Police General Jerry Valeroso.
Huling namataan si Valeroso noong Abril 6, 2025 sa Cavite kasama ang kaniyang bodyguard.
Matatandaan noon na sinabi ni Valeroso na personal niyang nakita ang perang galing umano sa droga na ibinigay kay De Lima noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Kalaunan nga lang ay binawi niya ang kaniyang sinabi at iginiit na pawang kasinungalingan lamang ang kaniyang alegasyon.