Retirement benefits ng 18 pulis na tinanggal sa serbisyo, limitado na

Retirement benefits ng 18 pulis na tinanggal sa serbisyo, limitado na

MAGIGING limitado na ang makukuhang retirement benefits ng 18 pulis na inalis sa serbisyo.

Ito’y matapos na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang resignation letter nila dahil sa isyu ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. na may makukuha pa rin namang benepisyo ang mga nasibak sa serbisyo.

Sa ngayon pag-aaralan pa ng PNP kung anu- anong benepisyo ang mawawala at matatanggap nila.

Sa kabila nito, nanindigan ang PNP na walang gaanong epekto sa operasyon ng organisasyon ang pagkawala ng 18 police officers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble