AALISIN na sa serbisyo ang 18 pulis na idinadawit sa ilegal na droga.
Ito ang inihayag ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr.
Ayon kay ACORDA, napag-usapan na nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang courtesy resignation ng tatlong police general at 15 police colonel.
Kaugnay rito, natanggap na ni Acorda ang mga dokumento na pirmado ni Pangulong Marcos.
Limitado rin ang umano ang matatanggap na benepisyo ng mga pulis.
Tiniyak naman ni Acorda na magpapatuloy ang paglilinis sa pulisya lalo na ang mga sangkot na ilegal na gawain.
