Reunion Concert ng F4, naka-set na sa 2026

Reunion Concert ng F4, naka-set na sa 2026

FAMILIAR ka ba kay Shan Cai? o kaya naman kay Dao Ming Si? Well, well, well relax ka lang dahil naghahanda na ang phenomenal F4 for a comeback!

Ayon sa Taiwanese local media, magkakaroon ng reunion ang members na sina Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu, at Vanness Wu, na naka-set sa 2026.

Iikot sila mula Taiwan, China at nakatakdang mag-tour sa ibang parte sa Asya.

Nabuo ang F4 noong 2001 matapos ang tagumpay ng hit drama na Meteor Garden. Sumikat ang drama sa buong Asya kaya sinimulan nila ang kanilang music career at nag-release ng tatlong album.

Nakapag-concert din sila sa Pilipinas noong 2003 at huling nag-perform sa isang Chinese television noong 2013.

12 years na ang nakalipas kaya excited na ang kanilang fans sa most awaited 25th anniversary concert.

To be announced naman ang official dates ng kanilang comeback.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble