Revilla to the rescue sa mga biktima ng Bagyong Pepito sa Northern Luzon

Revilla to the rescue sa mga biktima ng Bagyong Pepito sa Northern Luzon

DAHIL sa sunud-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas na labis na nakaapekto lalo na sa Northern Luzon, hindi tumitigil ang tanggapan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Nobyembre 19, nagdala si Revilla ng tulong sa mga probinsiya ng Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya. Doon ay personal niyang isinagawa ang Bayahanihan Relief (BR) para sa mga naging biktima ng Bagyong Pepito.

Nagbigay si Revilla ng mga pagkain, tubig at iba pang pangangailangan para sa mga residente na tinamaan ng bagyo.
Ayon sa senador, makakatulong ito para maibsan ang mapait na karanasan ng mga kababayan niyang hinagupit ng kalamidad.
Personal niyang kinumusta ang mga kababayan niya at hinimok na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan.

Sabi ni Revilla, mabilis na makakabangon ang mga kababayan kung sama-samang magtutulungan.

“Sa kabila ng sinapit niyo, nakakalugod na makita pa rin kayo ngayong araw sapagkat nakasiguro akong ligtas kayong lahat at okay ang mga kababayan ko. Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula,”pahayag ni Sen. Bong Revilla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble