Ricky Rubio ng Cleveland Cavaliers, magreretiro na sa NBA

Ricky Rubio ng Cleveland Cavaliers, magreretiro na sa NBA

TULUYAN nang magreretiro ang Spanish point guard ng Cleveland Cavaliers na si Ricky Rubio matapos ang 12 taon na paglalaro sa NBA dahil sa mental health issues.

Agosto 5, 2023 nang unang inanunsiyo ni Rubio na hihinto na muna ito sa paglalaro para tugunan ang kaniyang kalusugan.

Hindi na siya naglaro pa simula noon.

Ang 33-years old na point guard ay may career average na 10.8 points at 7.4 assists kada laro.

Ilan sa mga naging koponan ni Rubio ang Minnesota Timberwolves, Utah Jazz, Phoenix Suns at pinakahuli ang Cleveland Cavaliers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble