Rita Daniela, inaalay ang Jury Prize mula sa isang Int’l Film Fest para sa kanyang ina

Rita Daniela, inaalay ang Jury Prize mula sa isang Int’l Film Fest para sa kanyang ina

INAALAY ng aktres na si Rita Daniela ang nakuhang parangal mula sa 2022 edition ng International Film Festival Manhattan para sa kanyang ina na kamakailan lang idineklarang cancer-free.

Sinabi ni Rita na lubos ang kanyang kaligayahan nang matanggap ang nasabing parangal at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala.

Kaya’t inaalay niya ito sa kanyang ina na si Rosanna Iringan na na-diagnose na may breast cancer taong 2019 at ngayo’y idineklarang cancer-free na.

Nasungkit ni Rita ang Jury Prize para sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang role sa romantic-comedy film na may pamagat na “Huling Ulan sa Tag-Araw”.

Kung saan, ang kwento ay umiikot kay Rita na gumanap bilang Luisa, isang bar singer.

Follow SMNI NEWS in Twitter