Rollback sa lahat ng petroleum products sa susunod na linggo, nakaamba –DOE

Rollback sa lahat ng petroleum products sa susunod na linggo, nakaamba –DOE

INAASAHANG magkakaroon ng rollback sa presyo ng lahat ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Romero, tinatayang nasa P1 hanggang P1.20 ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina.

Habang nasa P3.50 hanggang P3.70 ang inaasahang kaltas sa kada litro ng diesel at P2.20 hanggang P2.40 sa kada litro ng kerosene.

Nitong linggo ay nagpatupad din ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

 

Follow SMNI News on Twitter