Romualdez, paiimbestigahan ang police escorts ni Degamo na hindi nag-report sa araw ng kaniyang assassination

Romualdez, paiimbestigahan ang police escorts ni Degamo na hindi nag-report sa araw ng kaniyang assassination

NAKAPAGTATAKA ang ulat na lima sa anim na police escorts ng nasawing si Negros Oriental Governor Roel Degamo ay hindi nag-report noong araw na binaril ito.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, hindi ito dapat pabayaan at magandang maimbestigahan agad.

Binigyang-diin ni Romualdez, nangyari na ang ganitong sitwasyon noong taong 2018 sa assassination din ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Tumatakbo bilang mayor ng Daraga Albay noon si Batocabe at batay sa ulat, 2 sa 3 police escorts nito ay nai-pull out ilang araw bago siya pinatay.

Dahil dito, sakaling may kasabwat ang mga bumaril sa Philippine National Police ay ipinangako ni Romualdez na irerekomenda nila ang nararapat na criminal charges sa mga sangkot.

March 4, 2023 nang pinatay sa sariling tahanan nito sa Pamplona, Negros Oriental si Gov. Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter