Ronnie Liang, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu

Ronnie Liang, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu

NAGPAABOT ng tulong ang singer at army reservist na si Ronnie Liang sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu.

Nag-donate ng mga construction materials para makatulong sa muling pagtatayo ng bahay sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Odette sa Cebu.

Personal na inihatid ng singer at army reservist ang kanyang donasyon na wood at metal aluminum sheets sa mga Cebuano, na makikita sa kanyang instagram post nitong Martes, January 18, kung saan tumulong din ito sa pag-aayos ng ilang bahay.

Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Ronnie Liang ang Rotary Club of Pasig premier at Rid 3800 League of great Presidents na ginawang posible ang pagpapaabot nito ng kanyang tulong.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang tumama ang super typhoon Odette sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

SMNI NEWS