SINABI ni President Vladimir Putin sa isang state-organized patriotic rally sa Moscow na ipinaglalaban ng Russia ang “historical lands” nito sa Ukraine.
Ani Putin sa kanyang speech, nakausap niya ang top military leadership ng Russia at kasalukuyang may nagaganap na giyera para sa kanilang historical lands.
Binati rin ni Putin sa harap ng libu-libong dumalo ng rally ang mga Russian servicemen sa Ukraine na matapang na ipinaglalaban ang kanilang bansa.
Ang pagtitipon na tinawag na “Glory to the Defenders of the Fatherland” ay isinagawa sa bisperas ng Russian public holiday at isang araw bago ang anibersaryo pag-atake ng Russia sa Ukraine noong February 24.