IBINUNYAG ni Ukraine Defence Minister Oleksii Reznikov na naghahanda na umano ang Russia ng isang bagong major offensive attack na posibleng isakatuparan sa February 24, isang taon matapos nitong inilunsad ang pag-atake sa Ukraine.
Ayon kay Reznikov, nasa mahigit 1,000 tropa na ang inihanda ng Moscow at posibleng maglunsad ito ng bagong taktika para tumatak ang anibersaryo ng kanilang pagsalakay noong nakaraang taon.
Matatandaan na kinumpirma ni Russian President Vladimir Putin na umabot sa 300,000 na tropa ang kanyang pinakilos para pero sinabi ni Reznikov na posibleng mas mataas ang totoong bilang.
Tiniyak naman ni Reznikov na palalakasin nila ang kanilang front troops at naghahanda na para sa posibleng mas malaking opensiba ng Russia.