Russian strikes sa Ukraine, kumitil sa buhay ng bagong silang na sanggol at 2 sibilyan

Russian strikes sa Ukraine, kumitil sa buhay ng bagong silang na sanggol at 2 sibilyan

PATAY ang isang bagong silang na sanggol sa isang Ukrainian maternity ward at dalawa pang sibilyan dahil sa pag-atake ng Russia ayon sa opisyal ng Ukraine.

Sinabi ng Ukrainian Emergency Services na tumama ang Russian rockets sa isang gusali sa Vilniask, parte ng Southern Zaporizhzhia Region sa pinakahuling atake upang sirain ang medical facilities nito simula nang magsimula ang giyera 9 na buwan ang nakalilipas.

Matatandaan na ilang beses nang tinarget ng Russia ang mga Ukrainian hospital simula nang sakupin ng Russia ang bansa noong February 24 kabilang na ang Port City ng Mariupol.

Ang atake noong Marso sa Mariupol Hospital ay nag-iwan ng 3 patay kabilang ang isang bata kung saan mariin itong kinundena ng Ukraine at Western allies.

Follow SMNI NEWS in Twitter