MAKATATANGGAP ang Department of Science and Technology (DOST) ng suporta mula kay President Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpapaunlad ng research and development programs ng bansa.
Sa naganap na 2022 National Science and Technology Week (NSTW) celebration, sinabi ni Pangulong Marcos na ang siyensiya ay may malaking gampanin sa pagkakaroon ng bagong solusyon sa kinakaharap na new normal.
Dagdag pa nito, full support ang ibibigay ng administrasyong Marcos sa lahat ng research institutions sa tulong ng DOST at DTI upang matulungan ang mga MSMEs sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Maliban dito, binigyang-diin ng Pangulo ang pagpabubuti ng science, technology, engineering, and mathematics or STEM subjects sa bansa.