PANAHON na para palakasin ang musikang Pinoy.
Ayon kay National Artist for Music Ryan Cayabyab, ito’y dahil sa tingin niya, 75% sa mga sikat na kanta sa bansa ay mula sa mga banyaga habang 25% lang ang local music.
Aniya, dapat magsagawa ng reassessment ang music industry ng Pilipinas kung saan nga ba pupunta ang career ng mga sikat na Filipino artist sa kasalukuyan dahil dito.
Dapat na ring matukoy kung saang direksyon na ang tinatahak ng OPM dahil sayang lang ang likas na talento ng mga Pinoy.
Puro hardware lang aniya kung ituring subalit walang software na tumutulong para mapalawak ang marating ng OPM.
Hinihikayat naman ni Cayabyab ang mga Filipino artist gaya ni Morissette, Kz Tandingan, Jona, Ben&Ben, SB19, Moira Dela Torre, Lara Maigue, Thyro, Davey Langit at iba pa na patuloy lang sa pagpupursigi at huwag huminto na pasikatin ang Filipino music sa buong mundo.
Nais niya ring mapasama at manguna sa Billboard Charts ang Filipino artists balang araw.