S.Coups ng Seventeen, nagbigay ng ₩50-M sa isang animal shelter

S.Coups ng Seventeen, nagbigay ng ₩50-M sa isang animal shelter

NAG-donate ng 50-M won si S.Coups, ang leader ng K-pop boy group na Seventeen sa non-profit organization na “Angels’ Nest”.

Ang nabanggit na non-profit organization ay isang shelter para sa mga inabandonang mga hayop partikular na sa mga aso at pusa.

Ibinahagi naman ng “Angels’ Nest” na gagamitin ang donasyon na ito ni S.Coups para sa medical treatments at surgeries ng mga hayop na nasa shelter.

Noong Setyembre ay nagbigay na rin si S.Coups ng 30-M won para sa animal rescue organization na WEACT.

Buwan ng Pebrero ngayong taon ay nagbigay na rin ito ng relief fund na nagkakahalaga ng 20 million won para sa mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria sa pamamagitan ng Hope Bridge National Disaster Relief Association.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble