NAKATAKDANG magbabalik-bansa ang K-pop boy group na Seventeen para sa isang panibagong concert.
Ang schedule ng “Follow” tour ng grupo sa Pilipinas ay sa Enero 13, 2024 sa Philippine Sports Stadium, Bulacan.
Ito na ang muling pagbisita ng grupo sa bansa mula sa kanilang “Be The Sun” concert noong Disyembre 2022.
Binubuo ang Seventeen ng 13 members na sina Scoups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, DK, Mingyu, The8, Seungkwan, Vernon, at Dino.
Sikat sila sa mga kanta tulad ng “Aju Nice”, “Pretty U”, “Super”, “Hot”, “Rock With You” at marami pang iba.