MAHIGIT 1,000 estudyante, magulang, at guro ang makikinabang sa SafeMILE Kids initiative—isang adhikaing bunga ng pagtutulungan ng JCI Manila at National Council for Children’s Television (NCCT) upang itaguyod ang responsableng paggamit ng internet, online safety, at media literacy.
Sinusuportahan nito ang adbokasiya ni DepEd Secretary Sonny Angara para sa proteksyon ng kabataan at mga repormang pang-edukasyon.
Iginiit ni Asec. Liboro Co ang halaga ng SafeMILE Kids dahil nagbibigay ito ng curricular support at emotional reinforcement sa mga educators.
“JCI Manila and NCCT have proven that youth leadership and creative communication can be harnessed for real change. Hindi lang ito proyekto — ito ay pagkilos sa tamang panahon, pagtakbo sa tamang direksyon,” saad ni DepEd Assistant Secretary for Public Affairs and External Partnerships Cilette Liboro Co
Editor’s Note: This article has been sourced from the DepEd Philippines Facebook Page.