TINIYAK ni Sen. Chiz Escudero na hindi dapat ipinangangamba ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na maapektuhan ang kanilang sahod at benepisyo sa panukalang 2024 national budget.
Nakasaad kasi sa 2014 General Appropriations bill na babayaran ng Bureau of Immigration ang libu-libong pasahero na naiwan sa biyahe dahil sa mahabang pag usisa o assessment ng mga taga-Immigration.
Nilinaw ni Escudero na ang pambayad sa mga apektadong pasahero ay manggagaling sa mga sobra-sobrang makukulekta ng ahensiya.
Paliwanag ni Chiz na madalas na ang sobrang nakukulektang buwis sa Immigration ay nababalik lamang sa national treasury.
Aniya sa halip na mauwi sa kaban ng bayan ay magamit na lang ito sa mga naperwisyong pasahero na dahil sa matagal na pagbusisi sa paliparan ay naiwan sa biyahe at minsan pa ay na-offload kahit walang sapat na basehan.