Salceda, handang tumulong sa DOT sa controversial tourism campaign slogan

Salceda, handang tumulong sa DOT sa controversial tourism campaign slogan

HANDANG tumulong sa Department of Tourism (DOT) si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda.

Sa gitna ito ng hinaharap na kontrobersiya ng bagong Tourism slogan na “Love the Philippines”.

Ayon sa kongresista, may karanasan siya sa turismo bilang gobernador ng Albay na maaaring maibahagi sa ahensiya.

Ibinunyag ni Salceda na bago ang pandemic ay mayroong ratio na 1.32 tourists per resident ang probinsiya ng Albay.

Mas mataas ito kumpara sa 0.57 per resident na ratio sa national scale.

Kasunod nito ay ayaw rin ni Salceda na bumaba sa puwesto si Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco kahit pa kinuwestiyon na nito ang ahensiya dahil sa hindi sinali ang sikat na Mayon Volcano sa campaign video.

Follow SMNI NEWS in Twitter