Inflation rate ng bansa, bumaba sa 5.4% nitong Hunyo

Inflation rate ng bansa, bumaba sa 5.4% nitong Hunyo

BUMABA ang headline inflation ng bansa ng 5.4 porsiyento para sa buwan ng Hunyo 2023, mula sa 6.1 porsiyento noong Mayo.

Ibinahagi ito ng Presidential Communications Office (PCO) base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito na ang ikalimang buwan na tuluy-tuloy na pagbaba ng inflation at pasok din sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 5.3 hanggang 6.1 porsiyento.

Sa ulat ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food at non-alcoholic beverages, transport products at services gaya ng presyo ng gasolina at pamasahe sa mga pampasaherong dyip.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter