“Sam Gor syndicate,” responsable sa mga narekober na shabu sa karagatan ng Zambales, Pangasinan, at Ilocos Sur

“Sam Gor syndicate,” responsable sa mga narekober na shabu sa karagatan ng Zambales, Pangasinan, at Ilocos Sur

NATUKOY na ng Philippine Drug Enforcement Agency na ang Sam Gor, isang malawak na international crime syndicate, na pangunahing responsable sa paglutang ng mahigit isang toneladang shabu na natagpuan ng mga mangingisda sa mga baybayin ng Zambales, Pangasinan, at Ilocos Sur nitong mga nakaraang buwan at linggo.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ang Sam Gor ay isang Five-Drug Triad alliance na binubuo ng 14K, Bamboo Union, Big Circle Gang, Sun Yeen On, at Wo Shing Wo, na ang mga pinuno ay nakabase sa Hongkong at Taiwan.

Ang naturang sindikato ay kumikilos sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific region, kabilang ang Pilipinas.

Sangkot ang grupo sa malawakang trafficking ng methamphetamine o shabu.

Pinaniniwalaang may 40 hanggang 70 porsiyentong kontrol ng drug market sa rehiyon ang Sam Gor at kumikita ng mahigit sa 17 bilyong dolyar kada taon.

“Sam Gor Group is believed to have an estimated 40 to 70 percent control of the drug market in the region, raking up profits up to more than $17billion in revenue a year,’’ ayon sa PDEA.

Bukod sa shabu, ang sindikato ay sangkot din sa pagsusupply ng malaking volume ng heroin, ketamine, at iba pang synthetic drugs at precursor chemicals.

Ayon sa PDEA, ang mga pack ng shabu na nakita sa mga baybayin ng Pilipinas ay may tatak na teabags na may mga marka sa Tsina, na isang signature trademark ng Sam Gor.

“Based on the packaging of shabu packs recovered in Philippine shores, they were contained in teabags with Chinese markings – a signature trademark associated with Sam Gor,’’ saad ni Usec. Isagani Nerez Director General, PDEA.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng PDEA at ang pakikipag-ugnayan nito sa mga international law enforcement agencies upang tuluyang matunton at buwagin ang sindikatong ito, at mapigilan ang patuloy na pagpasok ng mga ipinagbabawal na droga sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble