HINIKAYAT ng San Juan City Government ang mga residente nito na magdonate ng dugo.
Magsasagawa ng “Dugo ng San Juaneño, para sa San Juaneño” bloodletting program ang San Juan LGU ngayong araw, Marso 10, 2023.
Isasagawa ang bloodletting program mula 8am – 2pm sa San Juan City Hall Atrium.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, ang dugo na idodonate ng kanilang mga residente ay magagamit ng mga kababayang nangangailangan nito.
Dagdag ng alkalde, makatatanggap ng bigas ang lahat ng magiging successful blood donors.