ITINALAGA bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council (MMC) si San Juan Mayor Francis Zamora sa joint meeting ng Regional Development Council (RDC).
Sa session nitong Sabado, napili rin si Mayor Zamora bilang vice chairperson ng Regional Development Council (RDC).
Bagay na pinasalamatan ito ng alkalde ng San Juan sa tiwala sa kanya ng bumubuo sa MMC at sa Metro Manila mayors.
Ayon kay Zamora, excited siya sa kanyang bagong tungkulin para sa pagpapalago ng National Capital Region.
Nais pag-isahin ng alkalde ang mga lungsod para solusyunan ang trapiko sa Kalakhang siyudad ng Maynila.