San Miguel Teams, panalo sa latest games sa nagpapatuloy na 2024-25 PBA Commissioner’s Cup

San Miguel Teams, panalo sa latest games sa nagpapatuloy na 2024-25 PBA Commissioner’s Cup

NAMAYAGPAG ang Brgy. Ginebra San Miguel sa laban nila kontra Blackwater Bossing nitong Enero 12, 2025 sa iskor na 86-63.

Sa naging laro, nag-ambag si Justin Brownlee ng 18 points; RJ Abarrientos na may 15 points; at Japeth Aguilar na may 10 points.

Samantala, San Miguel Beermen ang panalo kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 85-78.

Si CJ Perez ay may 23 points para sa nabanggit na game habang 18 points kay Jabari Narcis; Juami Tiongson at June Mar Fajardo na may tig-13 points; at Jericho Cruz na may 10 points.

Sa nagpapatuloy na 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, Meralco Bolts at Northport Batang Pier ang maglalaro alas singko ng hapon sa Enero 14.

Susundan ito ng Converge FiberXers at Rain or Shine Elastopainters, 7:30 PM.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble